NLRC CAR, Matagumpay na Nagsagawa ng Auction Sale para sa Kabuuang Pagbabayad ng Judgment Award
Baguio City — Matagumpay na naisagawa ng National Labor Relations Commission – Cordillera Administrative Region (NLRC-CAR) ang isang auction sale ng iba’t ibang movable properties na pag-aari ng respondent company upang lubos na matugunan ang hatol na pagbabayad na nagkakahalaga ng ₱267,443.86 pabor sa isang complainant na school administrator.
Ang nasabing auction sale ay pinangasiwaan ng Tanggapan ni Executive Labor Arbiter Raymund M. Celino at isinagawa sa pamamagitan ni Sheriff Marcial Aning. Ang nalikom na halaga ay katumbas ng kabuuang backwages at separation pay na ipinag-utos sa pinal na desisyon ng kaso.
Ipinapakita ng matagumpay na pagpapatupad ng award sa pamamagitan ng auction sale ang patuloy na pagtupad ng NLRC sa mandato nitong pangalagaan ang karapatan ng mga manggagawa sa pamamagitan ng epektibong pagganap ng kanilang mga lehitimong kahilingan. Ipinapakita rin nito ang layunin ng Komisyon na magbigay ng mabilis, makatarungan, at abot-kayang paglutas sa mga sigalot-paggawa para sa kapakanan ng parehong manggagawa at tagapag-empleyo.
Muling nananawagan ang NLRC sa mga partido sa kasong paggawa na boluntaryong sumunod sa mga pinal at may bisa nang desisyon upang maiwasan ang mga hakbang sa pagpapatupad, habang pinatitibay ang kahandaan nitong gamitin ang kapangyarihan upang matiyak ang hustisya para sa mga manggagawang apektado.
#NLRC #AuctionSale #TagumpaySaHustisya