NLRC RAB XII, Nagtaguyod ng Mahigit P190K Settlement para sa Isang Truck Driver at Mga Security Guard

Koronadal City — Matagumpay na naisaayos ng National Labor Relations Commission – Regional Arbitration Branch XII (NLRC RAB XII) ang mapayapang pagresolba sa dalawang kasong paggawa, na nagresulta sa kabuuang monetary award na ₱190,827.48 pabor sa isang truck driver at apat na security guard.

Sa unang kaso, nakatanggap ang truck driver na empleyado ng isang construction company ng ₱147,088.53 bilang kabayaran sa backwages at separation pay. Sa ikalawang kaso naman, tumanggap ng kabuuang ₱43,738.95 ang apat na security guard na empleyado ng isang security agency bilang bayad sa kanilang proportionate 13th month pay at wage differentials.

Ang parehong settlement ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagsisikap ni Jeston Errol H. Panganiban mula sa NLRC RAB XII.

Patuloy na hinihikayat ng NLRC ang mga manggagawa at mga employer na gamitin ang conciliation at mediation bilang epektibong paraan upang maresolba ang mga alitan sa paggawa, alinsunod sa layunin nitong isulong ang social justice at proteksyon sa karapatan ng paggawa.

#NLRC #HustisyaSaPaggawa #TagumpaySaKasunduan